Tuesday, January 20, 2026

COMELEC LA UNION, IGINIIT NA SAKTO ANG BILANG AT WALANG EXTRA NA BALOTA SA BAWAT VOTING PRECINCT

Iginiit ng Commission on Elections La Union na sakto ang bilang ng mga balota na nakalagay sa dumating na 840 selyadong kahon ng official ballots sa lalawigan.
Ayon kay Election Officer II Marku Lavaro,saktong bilang lamang din ng balota para sa mga tukoy na botante sa isang presinto ang maaaring ipasok upang basahin ng automated counting machines na itatalaga sa kada voting precinct.
Dagdag ng opisyal, ang tanging pasobra lamang na balotang dumating Na nakalagay sa hiwalay na kahon ay gagamitin sa final testing at sealing ng mga electoral boards ngayong araw.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Municipal Treasurer’s Office ng bawat bayan ang official ballots na gagamitin sa halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments