Comelec, lilimitahan ang mga papayagang sumama sa maghahain ng Certificate of Candidacy para sa 2022 elections

Isang indibidwal lamang ang papayagan ng Commission on Elections (Comelec) na sumama sa maghahain ng Certificate of Candidacy para sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, lilimitahan nila ang pwedeng sumama sa loob bilang pag-iingat na rin laban sa COVID-19.

Bago niyan, kinakailangan din munang magsumite ng negatibong RT-PCR o Antigen test result isang araw bago sila maghain ng COC.


Sakali naman aniyang may mga magsagawa ng rally sa labas ng mga opisinang paghahainan ng COCs ay mayroon nang mga naka-antabay na tauhan ng Philippine National Police at Metropolitan Manila Development Authority.

Magsisimula ang filing ng COCs sa unang araw ng Oktubre na tatagal hanggang Oktubre 8.

Facebook Comments