Comelec, maagang naghahanda para sa debate ng presidential at vice presidential candidates

Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (Comelec) ang debate sa mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente sa Enero.

Sinabi ito ni Comelec Spokesman James Jimenez na target nilang mailabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa kalagitnaan ng Disyembre.

Tig-tatlong debate aniya sa pagka-presidente at bise presidente ang ikinakasa ng Comelec.


Layon nito na mabigyang-daan ang lahat ng mga kandidato sa nasabing mga posisyon.

Facebook Comments