COMELEC, magbubukas ng registration booths sa mga mall

Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na magbukas ng registration booths sa mga malls.

Ang COMELEC at ang Robinsons Land Corporation ay lalagda sa memorandum of agreement (MOA) para sa pagtatayo ng voter registration booths sa piling Robinsons Malls sa buong bansa.

Sabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, layunin ng hakbang na ito na mabigyan ang publiko ng accessible at efficient registration experience.


Magsisilbi rin itong alternatibong satellite registration sites sa pamamagitan ng pagbubukas ng registration booths sa mga mall.

Ang poll body ay maglalatag ng registration booths sa piling Robinson Malls sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, North Luzon, South Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, at Mindanao.

Bilang ikinokonsidera ang mall operating hours, ang satellite registration sa mga mall ay tatanggap lamang ng limitadong bilang ng aplikante kada araw.

Samantala, ang mga aplikante na may QR code mula sa mobile application ay tatanggapin.

Facebook Comments