Comelec, magdaraos ng plebisito para sa pagbuo ng bagong bayan sa BARMM at bagong barangay sa Marawi City

Magsasagawa ng plebisito ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagbuo ng bagong bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga bagong barangay sa Marawi City.

Ayon sa Comelec, isasagawa sa April 13 ang plebisito para sa ratipikasyon ng walong bagong bayan sa BARMM.

Noong February 6, 2019, nasa 63 barangay sa North Cotabato ang bumoto para maging bahagi ng naturang rehiyon.


Ang naturang mga barangay ang hahatiin para mabuo ang walong bagong bayan na tatawaging: Pahamuddion, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan.

Samantala, nakatakda naman sa March 9 ang plebisito sa Marawi City para sa pagbuo ng tatlong bagong barangay.

Sa plebisito, kailangan lamang sagutan ng yes kung pabor o no kung hindi ang isang botante.

Facebook Comments