Comelec, maglalabas ng regulasyon sakaling magkaroon ng lindol sa mismong araw ng eleksyon

Nakatakdang maglabas ng panuntunan ang Commission on Elections (Comelec) sakaling magkaroon ng lindol sa mismong araw ng halalan, May 13.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – inihahanda na ang rules of procedures na ipatutupad kapag nagkaroon ng lindol.

Mayroon ding coordination ang poll body sa Department of Education (DepEd) para silipin ang school buildings lalo na sa mga lugar na tinamaan ng lindol.


Mainam na aniya ito lalo na at ginagamit ang public schools sa bansa bilang polling centers.

Primary concern din ng Comelec ang kaligtasan ng lahat – kabilang ang mga botante, tauhan ng poll body at iba pang stakeholders.

Handa rin nilang i-secure ang mga vote counting machines at iba pang election paraphernalia.

Sumasailalim na rin sa deliberasyon kung magdedeklara ba ang failure of elections kapag nangyari ang kalamidad.

Facebook Comments