Comelec, maglalagay pa rin voter assistance desk para sa mga botanteng walang record sa online precinct finder

Magtatalaga ng voter assistance desk ang Commission on Elections (Comelec) sa mga voting center sa Lunes.

Ito ay sakaling may mga botanteng walang makikitang record sa precinct finder portal.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, may ipupuwesto silang voter assistance desk bago pumasok sa pinto at sa mismong loob ng voting precincts, para masigurong may magbibigay ng gabay sa mga botante.


Dati nang inilunsad ng Comelec ang Precinct Finder website noong 2022 national elections, bilang gabay sa mga botante, para maiwasan ang magulong sistema sa paghahanap ng mga polling precinct sa araw ng halalan.

Kailangan lang ilagay ng botante ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan o birthdate, at lugar kung saan nagparehistro para malaman ang polling place kung saan boboto.

Facebook Comments