Manila, Philippines – Inanunsyo na ni Comelec Spokesman James Jimenez ang nakatakdang pagpapalabas ng komisyon ng opisyal na listahan ng mga kandidato para sa May 2019 elections.
Ayon kay Jimenez, maglalabas sila ng pinal na listahan bago magsimula ang pag-iimprenta ng mga balota na itinakda sa ikatlong linggo ng Enero.
Una nang inihayag ng Comelec na naging mabusisi ang pagtukoy ng poll body sa mga kandidato na hindi na kwalipikado para tumakbo sa eleksyon.
Partikular ang mga kandidatong napatawan ng pinal na parusa para sa kasong kriminal at mga napatawan ng disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Samantala, sa Enero a trese naman ang pormal na pagsisimula ng election period.
Facebook Comments