Inilabas ng Commission on Elections ngayong araw ang Resolution 10746 kung saan ipapatupad ang nationwide liquor ban, epektibo sa May 8 at araw ng Halalan sa May 9, 2022.
Sa ilalim nito, mapaparusahan ang mahuhuling indibidwal o may-ari ng mga establisiyimento na magbebenta, bibili, maghahain o kaya ay iinom ng alak.
Maaaring mag-apply ng exemption ang mga establisyimentong duly certified ng Department of Tourism ngunit tanging mga dayuhang turista lamang ang papayagang uminom.
Sa kabila nito, pwede ring bawiin ng COMELEC ang naturang exemption anumang oras kapag nakatanggap sila ng makatwirang reklamo laban sa establisyimento.
Facebook Comments