Comelec, magsasagawa ng mock elections para sa halalan sa Mayo

Manila, Philippines – Inilatag na ng Commission on Elections o Comelec ang schedule ng gagawin nilang Mock elections para sa halalan sa ika-13 ng Mayo.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, isasagawa ang mock elections sa January 19, 2019 sa 60 polling places sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kabilang dito ang mga presinto sa Barangay Bahay-Toro sa Quezon City, Barangay Pinagbuhatan sa Pasig at Barangay 669 sa Maynila.


Gagawin aniya ang mock elections sa nasabing mga barangay mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi at sa 57 pang polling precincts ay mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dose lamang ng tanghali.

Ipinaliwanag ni Jimenez na mas mahaba ang oras ng mock elections sa Pasig, Quezon City at Maynila dahil sa aktwal na dami ng mga botante na inaasahang lalahok dito.

Pawang mga dummy ang pangalan na nasa balotang gagamitin sa mock elections at mula sa pag-shade, ipasusubok sa botante ang pagpasok ng balota sa Vote Counting Machines o VCM.

Facebook Comments