Comelec, magsasagawa ng post election assessment

Magsasagawa na ng post election assessment sa kabuuan ng 2019 midterm election ang Commission on Election o Comelec.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, aalamin nila ang naging problema sa supplier ng kanilang SD cards na isa sa naging pangunahing aberya nitong halalan.

Aniya, titignan rin nila ang iba pang mga naranasang glitches sa proseso ng botohan.


Bagaman aminadong hindi naiwasan ang mga glitches nanindigan si Abas na walang nangyaring dayaan nitong halalan.

Kasabay nito, muling nagpaalala si Comelec Spokesperson James Jimenez sa mga kumandidato nitong 2019 elections na magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) kung saan nakasaad ang kanilang mga nakuhang kontribusyon mula sa kanilang mga kakampi.

Maliban sa nakuhang kontribusyon, dapat rin aniyang ilagay sa SOCE kung magkano ang kanilang ginastos sa pagkandidato.

Facebook Comments