Manila, Philippine – Magdaraos ng public hearing ang Commission on Elections hinggil sa posibilidad na pagpapaliban sa nalalapit na Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa buong Mindanao.
Sa kautusan ni COMELEC Chairman Andres Bautista, nakasaad na isasagawa ang pulong sa August 15 sa Marco Polo Hotel, Davao City.
Inaatasan din ang office of the clerk of the Commission na ipagbigay alam ang naturang hearing sa DILG, National Youth Commission, Liga ng mga Barangay, SK Federation, NGO, Civil Society Organization at mga accredited citizen’s arm.
Ipinapapaskil din ng COMELEC sa kanilang concerned field offices ang kautusan sa lugar na maraming makakabasa.
Inaatasan din ang office of the clerk of the Commission na bigyan ng kopya ng kautusan ang AFP at PNP.
At inuutusan ng COMELEC ang kanilang Education & Information Department na i-publish ang nasabing kautusan sa 3 pahayagan na mayruong general circulation.
Hanggang sa ngayon kasi ay umiiral parin ang Batas Militar sa buong Mindanao bunsod ng nangyayaring bakbakan sa pagitan ng Maute-ISIS group at tropa ng militar sa Marawi City.