Comelec, magsasagawa ng satellite registration sa Metro Manila

Manila, Philippines – Magsasagawa ng satellite registration ang Commission on Elections (Comelec) sa buong bansa.

Ito ay upang mailapit ang voters registration sa publiko at mapataas ang registration turnout para sa nalalapit na May 11, 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – makakatulong ito sa mga Pilipino na hindi kayang makapunta sa Comelec offices dahil sa schedule o travel constraints.


Base sa schedule na nakalagay sa Comelec Facebook page, ang satellite registration ay gagawin sa mga sumunod na petsa at lugar:

  • August 22 – special registration para sa mga kababaihan sa Marikina City Hall
  • August 23 – San Isidro Barangay Hall (Makati 1st District)
  • August 23 – Rincon Barangay Hall (Valenzuela 1st District)
  • August 23-24 – Ilang-Ilang Covered Court (Quezon City 2nd District)
  • August 24 – Camarin Residences Barangay 175 (1st District Caloocan)
  • August 24 – Martirez del 96 Barangay Hall (Pateros)

Maaaring magparehistro ang mga aplikante mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments