Comelec, magtatalaga na ng “gate-keeper” sa  paglalabas ng kopya ng resulta ng eleksyon sa Mayo

Tiniyak na ngayon ng Comelec na mas magiging organisado  at sabay-sabay na ang paglalabas ng kopya ng election result sa darating na  halalan sa Mayo.

Taliwas ito sa mga nangyari sa mga nakalipas na mga halalan, kung saan nag-uunahan ang ibat-ibang partido para makakuha ng kanilang kopya ng resulta ng eleksyon.

Inihayag transparency server ng ng poll body na magtatalaga na  sila  ng tao para maging “gate-keeper” na siyang pipindot sa Comelec at maghahatid ng impormasyon ng election result sa  lahat ng mga transparency server ng mga end user.


Plano rin ng Comelec na mag-isyu ng I.D. sa mga ilalagay na tao ng mga end user sa kanilang mga work station.

Ang end user ay ang mga kinatawan ng mapipiling dominant majority party; dominant minority party; Parish Pastoral Council  for Responsible Voting o PPCRV at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

kasama rin ang pitong ibat-ibang media outfits at ibang organisasyon na mabibigayn ng access ng Comelec en banc.

 

Facebook Comments