Papayagan pa ring makaboto sa 2022 elections ang mga botanteng may lagnat o may temperaturang lagpas sa 37 degrees celcius, pero sila ilalagay sila sa hiwalay na voting place.
Ayon kay Comission on Elections (COMELEC) Commissioner Antonio Kho Jr., unang titingnan sa entrada ng polling center ay ang temperatura ng mga botante.
Kapag narehisto ang temperaturang lagpas sa 37°C ay papayuhan ang botante na magpahinga at kukuhanan muli sila.
Sakaling mataas pa rin ang temperatura, ay ilalagay sila sa isolated polling place o IPP.
Ang COMELEC ay nakatakdang bumuo ng new normal guidelines para sa ligtas na halalan sa susunod na taon.
Facebook Comments