Handang handa na ang COMELEC Maguindanao kasabay ng gagawing plebisito sa January 21, 2019 may kaugnayan sa pagratipika ng Bangsamoro Organic Law.
Nagsimula na rin ang pagdating ng mga election paraphernalia bukod pa sa list of registered voters ayon pa kay Atty. Ernie Palanan, ang bagong talagang Maguindanao Election Supervisor sa naging panayam ng DXMY.
Bagaman walang nakikitang magiging problema ,nailatag na rin ang mga security plans ngunit nakatakda pa ring magpupulong sa darating January 18, 2019 ang Comelec Officials kasama ang AFP, PNP, DEPED at iba pang mga concern agencies dagdag ni PES Palanan.
Tinatayang nasa 400K registered voters ang inaasahang lalahok mula sa 36 na bayan ng lalawigan.
Mariin namang nilinaw ng Comelec na Yes o No, o OO o Hindi ang dapat ilagay sa magiging balota ng mga boboto sa plebesito at magiging invalid ang Y o N, o ✔ o X.
Sinasabing kabilang sa magiging katanungan sa balota ay PAYAG BA KAYO NA ISAMA ANG LUGAR NYO SA AWTONOMO NG BANGSAMORO SA REHIYONG?
Comelec Maguindanao handa na sa gagawing BOL Plebescite
Facebook Comments