Mahigpit na babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng minimum health and safety protocols laban COVID-19 ngayong eleksyon 2022.
Inihayag ito ni COMELEC Commissioner Aimee Torrefranca – Neri na siyang bagong talagang Chairperson ng New Normal Committee ng poll body.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Neri na sa kabila ng mababang kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi aniya magpapakakampante ang COMELEC para maiwasan ang panibagong surge ng COVID-19 ngayon panahon ng halalan.
Kaya naman apela ng COMELEC sa publiko na palaging sumunod sa minimum public health standards bago, habang at kahit matapos na ang eleksyon para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng lahat.
Ayon naman kay PNP Chief, PGen. Dionardo Carlos na sapat ang kanilang mga tauhan para tumulong sa pagpapatupad ng health and safety protocols kontra COVID-19 na bahagi ng kanilang pagtitiyak ng isang ligtas, malinis at mapayapang eleksyon.