COMELEC Main Office, pansamantalang isinara matapos na magka-COVID ang ilang empleyado

Pansamantalang isinara ang main office ng Commission on Elections (COMELEC) nito sa Intramuros, Maynila hanggang March 24, 2021.

Bukod sa main office ng poll body, pansamantala ring sarado ang Office of the Regional Director sa National Capital Region (NCR), Region 4-A at Region 4-B.

Nabatid na may mga nagpositibo sa COVID-19 sa ilan sa mga empleyado ng tanggapan.


Tiniyak naman ng COMELEC na hindi nito maaapektuhan ang kanilang serbisyo kabilang na ang paghahanda sa plebisito sa Palawan ngayong Marso at ang paghahanda para sa halalan sa susunod na taon.

Ang may mga transaksyon naman sa naturang mga tanggapan ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa communication platforms ng komisyon tulad ng email addresses, COMELEC Official Facebook page at Twitter accounts.

Facebook Comments