Comelec, makikipag-ugnayan sa BJMP at environmental groups para sa maayos na disposal ng mga nakumpiskang poster at tarpaulins

Makikipag-ugnayan ang Commission on Elections (Comelec) sa ibang mga environmental groups hinggil sa mga nakolekta at makokolekta pa na mga poster at tarpaulin na nakumpiska.

Ito’y kasabay ng isinasagawa nilang ‘Synchronized Nationwide Grand Baklas Operations.

Bukod dito, unang nakipag-ugnayan nag Comelec sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang i-donate ang mga nakolektang tarpaulin para mapakinabangan din sa kanilang mga pasilidad.


Bukod sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatuwang ng Comelec, nakasama rin ang grupong Ecowaste Coalition sa pagbabaklas ng mga tarpaulin.

Muling iginiit ng Comelec at Ecowaste na ang mga tarpaulin ay maaaring gamitin pang halo sa mga hollow blocks at iba pang paraan lalo na’t ito ay non-biodegradable.

Sinabi naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, lahat ng election officers ay inatasan niyang makipag-ugnayan sa ibang sektor o grupo para sa maayos na disposal ng mga nakumpiskang poster at tarpaulins sa kanilang area of responsibility.

Facebook Comments