COMELEC, makikipagtulungan sa YouTube para matukoy ang official channels ng 2022 election aspirants

Makikipagtulungan ang Commission on Elections sa YouTube para matukoy ang mga official channels ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ito ay para mabigyan ng verified badge ang mga kandidato na magsusumite ng kanilang official youtube channels sa tanggapan.

Aniya, layon nitong mapaigting ang accountability ng mga kandidato lalo na upang maiwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.


Batay sa YouTube help center, kinakailangang magkaroon ng kahit 100,000 subscribers ng isang user bago sila ma-verify na lehitimong account.

Matatandaang kamakailan lamang din ay inanunsiyo naman ng google na hindi muna sila tatanggap pansamantala ng advertissments na may kaugnayan sa eleksiyon upang mapigilan ang pagpapakalat ng misinformation ng online trolls.

Facebook Comments