Comelec, makikipagtulungan sa YouTube upang beripikahin ang mga official account ng mga kandidato sa 2022 elections

Makikipag-ugnayan ang Commission on Elections (Comelec) sa YouTube upang beripikahin ang official accounts ng mga tatakbong kandidato sa 2022 national and local elections.

Sa tweet ni Comelec Spokesperson James Jimenez, mabibigyan ng verified badge ang mga opisyal na kandidato na magsusumite ng kanilang official YouTube channel sa Comelec.

Base na rin ito sa Comelec Resolution No. 10730 kung saan kinakailangan iparehistro ng kandidato ang kanilang official accounts, website, blog at iba pang social media page ng partido ng kandidato.


Tanging ang mga berepikadong account, website, blogs at social media pages ang papahintulutang magpatakbo ng electoral ads at palakasin ang mga post nito.

Iginiit naman ni Jimenez na hindi kailangan ng 100,000 subscribers ang isusumiteng account upang ma-verify ang kanilang account.

Facebook Comments