COMELEC MANGALDAN, ILALAPIT ANG SERBISYO NG VOTERS’ REGISTRATION SA MGA BARANGAY

Ilalapit ng Commission on Elections (COMELEC) Mangaldan ang serbisyo ng voters’ registration sa iba’t ibang barangay sa pamamagitan ng satellite registration mula February 17 hanggang 21, 2026 upang mas mapadali at mapalawak ang partisipasyon ng mamamayan sa halalan.

Layunin ng aktibidad na gawing accessible ang serbisyo sa mga residente, lalo na sa mga first-time voters, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at iba pang sektor, upang makapagparehistro, makapag-update ng rekord, o makalipat ng registration nang hindi na kinakailangang bumiyahe nang malayo.

Tatanggap ng aplikasyon ang COMELEC mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa mga barangay na sakop ng satellite registration, habang 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon naman sa COMELEC Office.

Ilan sa mga nakatakdang lugar para sa satellite registration ay ang COMELEC Office sa February 17, Brgy. Gueguesangen sa February 18, Brgy. Salaan sa February 19, Brgy. Bateng sa February 20, at muli sa COMELEC Office sa February 21.

Saklaw ng aktibidad ang first-time voter registration, reactivation, pagbabago ng pangalan o status, paglipat ng registration, at pag-update ng rekord para sa mga kabilang sa vulnerable sectors.

Paalala ng COMELEC, kinakailangang magdala ng isa sa mga valid government-issued ID at mga karagdagang dokumento gaya ng birth certificate o marriage contract kung may koreksyon o pagbabago sa status.

Facebook Comments