COMELEC Manila, DILG at iba pang kandidato, nagsagawa ng unity walk at peace covenant signing sa Maynila

Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) Manila na magiging maayos at payapa ang nalalapit na halalan partikular sa lokal na posisyon.

Sa isinagawang unity walk at peace covenant signing, naniniwala si Atty. Jerico Jimenez ang Election Officer IV, COMELEC Manila na magiging patas at tapat ang mga lokal na kandidato sa patakaran sa 2025 midterm elections.

Sa ilalim naman ng kasunduan, nais masiguro ang seguridad ng bawat Pilipino sa pagboto, malaya sa banta, pananakot, o karahasan.


Paraan din ito upang ipakita ang kalayaang bumoto nang walang pamimilit o panlilinlang, at tiyakin ang patas na pagtrato sa lahat ng kandidato.

Higit sa lahat, panatilihin sana ang kapayapaan sa tulong ng komunidad at mga awtoridad.

Kabilang sa mga dumalo sa unity walk ay mga kinatawan mula sa gobyerno, law enforcement agencies, religious sector at iba pang grupo ng lipunan.

Facebook Comments