COMELEC-Manila, nagpaliwanag kung bakit hindi pa rin nagpoproklama ng mga nanalong kandidato sa lokal na posisyon

Hindi pa rin nagpoproklama ang Commission on Elections (COMELEC) Manila ng mga nanalong kandidato sa lokal na posisyon sa lungsod ng Maynila.

Ito’y kahit pa umabot na sa 92.66% ang transmitted precint mula sa iba’t ibang distrito ng Maynila sa Manila City Board of Canvassers.

Ayon Atty. Gregorio Bonifacio, Chairman of COMELEC-Manila, kukumpletuhin pa rin nila na makuha ang iba pang datos upang hindi makaaapekto sa resulta ng mga posisyon.


Sinabi pa ni Bonifacio na isa rin sa dahilan kumg bakit hindi pa sila nagpoproklama ay dahil sa ilang technicalities lalo na pagdating sa mga councilor kung saan maaapektuhan ang mga ranking ng mga ito.

Dahil dito, sinuspinde muna ang ginagawang canvassing sa loob ng Manila City Hall upang mapag-usapan nila ito at magkaroon ng pagkataon na makapagpahinga.

Bukod dito, inihahanda rin nila ang ilang resolusyon kaya’t hindi makapagdeklara ng mga nanalo sa pagka-Mayor at Vice Mayor.

Posible naman maiproklama na ang mga nanalo mamayang alas-10:30 ng umaga kung saan nangunguna sa pagkaalkalde si Honey Lacuna kasunod ni Alex Lopez at Amado Bagatsing.

Habang sa pagka-bise alkalde naman ay nangunguna si Yul Servo na sinusundan ni Raymond Bagatsing.

Facebook Comments