Comelec, may babala sa mga kandidato na sasamantalahin ang kapistahan ng Poong Jesus Nazareno

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato na huwag gamitin ang Traslacion 2025 upang maagang makapag-kampaniya.

Ayon kay Comelec Chairman George Erein Garcia, hindi dapat samantalahin ng mga kandidato ang nasabing aktibidad kung saan inaasahan na dadagsa ang milyun-milyong deboto.

Dagdag pa ni Garcia, ibigay ang nasabing araw sa mga deboto at huwag ng samantalahin ang pagkakataon.


Aniya, isang araw lamang ang Traslacion kumpara sa 90 araw para sa national candidates at 45 araw para naman sa local candidates ang kampaniya kaya’t maiging pag-isipan ito ng kandidato.

Handa naman ang Comelec na gumawa ng nararapat na hakbang para ma-diskwalipika ang mga kandidato na gagawing campaign venue ang kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.

Facebook Comments