Manila, Philippines – May basbas na ng Comelec ang pagbaklas ng tarpaulins ng mga kandidato sa local positions.
Ito ay bagamat sa March 29 pa ang simula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, partikular na maaring baklasin ng MMDA at Local Government Units (LGUs) ang campaign materials na maaaring maging sanhi ng aksidente sa mga motorista.
Maaari rin aniyang magbaklas ng tarpaulins ang LGUs kung sa tingin nila ay may nalalabag na lokal na ordinansa sa mga nakasabit na campaign posters.
Sinabi naman ni Jimenez na pagsapit ng March 29 ay mandatory na talaga ang gagawin nilang pagtanggal sa mga tarpaulin ng local candidates na hindi nakasabit sa common poster areas at mali ang sukat.
Facebook Comments