COMELEC, may huling paalala sa mga tatakbo sa 2025 Midterm Elections

Personal na maghain ng Certificate of Candidacy (COC) o isang awtorisadong kinatawan sa kaukulang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ang paalala ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa lahat ng mga kandidato kaugnay sa nalalapit na panahon na paghahain ng COC.

Sa abiso ng COMELEC, sa October 1 hanggang 8 ang panahon ng paghahain ng COC mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Nakatakda naman sa November 4 hanggang 9, 2024 ang paghahain ng kandidatura ng mga tatakbong kongresista sa mga distrito sa parliyamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kasama sa mga dokumento na dapat isumite ay limang kopya ng COC kabilang ang original na kopya ng COC, passport size na litrato na kuha sa nakaraang anim na buwan at documentary stamp.

Maliban sa bayad sa documentary stamp, paalala pa ng COMELEC na walang bayad ang paghahain ng COC.

Bukod sa COC, ihahain din sa Oct. 1 hanggang 8 ang CONA o Certificate of Nomination and Acceptance ng mga kandidato na kasapi ng isang COMELEC-accredited na partido pulitikal o koalisyon.

Facebook Comments