COMELEC, may paalala sa mga kandidato ngayong Mahal na Araw

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na bawal gamitin ng mga kandidato ang ilang mga religious activity bilang pangangampaniya.

Tulad na lamang ng tradisyunal na pabasa lalo na sa darating na Huwebes at Biyernes Santo.

Ito’y batay sa COMELEC Resolution No. 11086 kung saan maging ang pakikipagkamay at pamimigay ng pagkain ay ipinagbabawal.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, may kaukulang parusa ang sinumang kandidato ang lalabag dito.

Aniya, ipinagbabawal talaga ang pangangampaniya sa Abril 17 at 18 para bigyan daan ang mga katoliko sa paggunita ng Mahal na Araw.

Kaugnay nito, patuloy na magmo-monitor ang COMELEC upang masiguro na walang kandidato ang lalabag sa nasabing patakaran habang hinihimok ang publiko na i-report sakaling may gumawa nito.

Facebook Comments