May pakiusap ang Commision on Elections (Comelec) sa mga gustong tumakbo sa 2022 election.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, huwag nang hintayin ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Sa harap na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga aspirants sa huling araw ng paghahain ng kandidatura na nakagawian na tuwing panahon ng eleksyon.
Kasabay nito, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa ang kanilang hanay na bantayan sa seguridad hanggang sa matapos ito sa oktubre a-otso.
Sa ngayon, walang namo-monitor ang PNP na specific threats sa kasagsagan ng filing ng COC kaya tuloy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho para sa mapayapang pagdaraos ng eleksiyon 2022.
Facebook Comments