Comelec, may panawagan sa mga senior citizen at PWD’s ngayong nag-simula na ang voters registration

330

Hinikayat ng commission on elections ang mga nakatatanda at mga taong may kapansansanan na simulan nang i-update ang kanilang record sa Comelec.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na kinakailangan ng maisaayos ng mga senior citizen at Person with Disabilities (PWD’s) ang kanilang record upang ma-update rin ng comelec ang kaukulang impormasyon sa mga ito.


Ipinaliwanag ni Jimenez na tuwing sasapit ang eleksyon ay isinasama sa paghahanda ng Comelec para sa presintong bubuksan para sa mga ito.

Sa ganitong paraan aniya, malalaman ng komisyon kung kinakailangang bigyan ng kwarto at matiyak na hindi na papanhik pa ng hagdan ang mga nakatatanda at mga may kapansanan.

Facebook Comments