Comelec, may payo para sa mga boboto sa 2022 election

Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko kaugnay sa gagawing pagboto sa nalalapit na 2022 Election.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi dapat iboto ang mga kandidatong maagang nangangampanya.

Maituturing kasi aniya itong maling pang-uugali dahil lumabag na ito sa panuntunan para sa nakatakdang panahon ng pangangampanya alinsunod sa Republic Act 9369 o ang Poll Automation Law.


Kasama sa nanawagan para dito ang National Movement for Free Elections (NAMFREL), at Legal Network for Truthful Elections (LENTE).

Facebook Comments