Maglalagay ang Commission on Elections (COMELEC) ng remote voting centers sa tatlong lugar para makaboto ang 668 persons with disabilities (PWDs) at senior citizens sa May 9, 2022 election.
Batay sa COMELEC Resolution 10761, ilalagay ang Satellite Emergency Accessible Polling Places (S-EAPPs) sa mga sumusunod na lugar:
– Hospicio de San Jose sa Manila na may 167 voters
– Tahanang Walang Hagdanan, Inc. sa Cainta, Rizal na may 81 voters
– National Vocational Rehabilitation Center sa Quezon City na may 420 voters
Ang oras ng kanilang pagboto sa mga special precincts ay isasagawa mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon na mas maaga sa regular na polling centers na nagsasara ng alas-7:00 ng gabi.
Magtatalaga rin ang COMELEC ng special education teachers at teaching personnel na marunong sa sign language sa nasabing mga special precincts.