COMELEC, mayroon ng mga hakbang kaugnay ng umano’y data breach

Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na may ginagawa na silang aksyon kaugnay ng data breach sa operasyon ng Smartmatic.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, hindi pa nila maisasapubliko ang mga hakbang ng poll body dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Aniya, maglalabas ng opisyal na direktiba ang mga opisyal ng COMELEC hanggang March 29 para tugunan ang nasabing kontrobersiya.


Nauna nang ibinunyag ng Senado na isang dating empleyado ng Smartmatic ang umano’y naglabas ng laptop at ipinakopya ang mga impormasyon nito sa iba.

Facebook Comments