Hindi itataboy ng Commission on Elections (Comelec) sina dating senador Bongbong Marcos at Davao city Mayor Sara Duterte sakaling magbago ang isip ng mga ito at biglang sumipot sa presidential at vice-presidential debates sa Marso 19 at 20.
Ito ay sa kabila ng nauna nilang desisyon na hindi sila dadalo sa debate.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, bagama’t mas mabuti na maagang kumpirmahin ng mga kandidato ang kanilang pagdalo ay nakahanda naman sila sa mga last minute na pagbabago.
Samantala, sa sampung kandidato sa pagkapangulo ay si Marcos lamang ang hindi dadalo batay na rin sa listahan ng Comelec ng mga nagpadala ng sulat para sa kumpirmasyon.
Idaraos ang unang COMELEC presidential debate sa Marso 19 sa Sofitel Hotel sa Pasay City.