Comelec, muling magko-convene bilang NBOC

Muli namang magko-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ngayong araw sa ganap na ala una ng hapon.

Ang mga miyembro ng Comelec en banc ay tumatayong NBOC.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas – magsasagawa sila ng random manual audit o mano-manong pagbibilang sa mga boto mula sa mahigit 700 presinto.


Layon nito aniya na matiyak na tama ang resulta ng boto na binasa ng mga vote counting machine (VCM).

Sa kabila ng naranasang aberya kahapon, sinabi ni Spokesperson James Jimenez na matagumpay ang pagdaraos ng eleksyon kahapon.

Dagdag pa ni Jimenez, batay sa kanilang monitoring pangunahing dahilan sa pagkaantala sa proseso ng botohan ay ang mga palyadong SD cards.

Sa panig ng PNP at AFP, generally peaceful ang eleksyon maliban sa ilang “minimal disruption”

Matagumpay anila ang mga inilatag na paghahanda sa peace and order situation sa bansa.

Facebook Comments