COMELEC, muling nagpaalala laban sa vote buying

Hindi lamang ang mga kandidatong mapapatunayang sangkot sa vote buying ang mahaharap sa patung-patong na kaso.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Dir. Elaiza David na maging ang mga botanteng tatanggap ng suhol ay makakasuhan.

Paliwanag nito, ang mga kandidatong mapapatunayang sangkot sa vote buying ay didiskwalipikahin ng COMELEC sa pagtakbo.


Mahaharap din ito sa election offense na may multa at pagkakakulong.

Sa panig naman ng mga botante, maaari ding makulong ng hanggang 6 na taon ang mapapatunayang tumanggap ng suhol.

Maliban dito, nagbabala rin ang komisyon sa posibleng talamak na vote-buying gamit naman ang makabagong teknolohiya.

Facebook Comments