Comelec, muling nagpaalala sa mga kandidato ng BSKE na magpasa na ng kanilang SOCE

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kumandidato na magsumite na ng kanilang statement of contributions and expenditure o SOCE.

Nabatid na anim na araw na lamang bago ang deadline ng filing ng SOCE sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ayon sa Comelec, maaaring personal na isumite ang kanilang mga SOCE at ibang angkop na dokumento sa Office of the Election Officer kung saan naghain ng kanilang mga kandidatura.


Bukas ang mga opisina ng nabanggit na Comelec officials mula alas-8:00 ng aga hanggang alas-5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Inilalgay naman ng komisyon sa kanilang mga social media platform ang link kung saan makukuha ang SOCE forms.

Facebook Comments