COMELEC, muling nagpaalala sa mga maghahain ng pagkandidatura ngayong huling araw ng paghahain ng COC at CONA

Muling nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga maghahain ng kandidatura ngayong huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptace (CONA).

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, pagsapit ng alas-4:45 ng hapon ay ililista na ang pangalan ng mga nakapila na 30 metro ang layo mula sa queuing area.

Kapag tinawag ng receiving officer ang pangalan ay kailangang lumapit agad ang kandidato.


Hindi tatanggapin ang mga COC na walang documentary stamp, lagda ng aspirant, hindi napa-notaryo, kulang ang address, walang picture, at kulang ang impormasyon.

Samantala, inihayag pa ng COMELEC na hanggang sa November 8 na lamang maaaring mag-request ng correction sa pangalan na lalabas sa official ballot.

Ilalabas ng COMELEC ang tentative list ng mga kandidato sa kanilang official website at sa mga lugar ng filing ng COCs sa October 29.

Mula October 1 hanggang October 7, ang bilang ng mga nagsumite na ng kanilang COC sa National post para sa 2022 elections.

57 para sa Presidentiables
16 para sa Vice-Presidentiables
92 Senators
194 Partylist nominees

Facebook Comments