COMELEC, muling nanawagan ng suporta para sa budget nito sa mga darating na eleksyon

Muling nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) ng suporta sa mga stakeholder ng eleksyon sa bansa para sa pagsusulong ng kanilang budget sa Kongreso.

Sa ginanap na National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) stakeholder’s forum para sa alternative automated election system, binigyang diin ni COMELEC Chairman George Garcia na importanteng maibigay ang budget ng COMELEC dahil nauna nang naideklarang unusable o hindi na magagamit ang mga vote counting machines dahilan kaya kailangan na ng bagong mga makina para sa election 2025.

Liban pa aniya dito, ang mas mataas na bilang ng mga botante na sa datos ng COMELEC ay aabot sa 71 million kung saan nangangahulugan ito ng mas maraming election paraphernalia ang kakailanganin.


Dagdag pa ni Garcia, gastusin ng COMELEC ang honoraria ng mga guro na may panawagan ding itaas at gawing tax free.

Dahil dito, plano ng COMELEC na humingi sa Kongreso ng special budget para sa eleksyon at iba ito sa mismong budget ng kanilang tanggapan.

Facebook Comments