Muling tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi masasayang ang mga kagamitang gagamitin sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections sakaling ipagpaliban ito.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, maaaring itago ng COMELEC ang mga election paraphernalia at gamitin sa bagong itatakdang petsa ng halalan.
Aniya, ganito rin ang ginawa ng ahensya nang ipagpaliban ang BSK elections noong 2017 papunta sa 2018.
Sa ilalim ng panukala ay nais ilipat sa ikalawang Lunes ng December 2023 ang halalan para sa barangay at sangguniang kabataan mula sa itinakda nitong petsa ngayong December 5, 2023.
Samantala, epektibo na ngayong araw ang bago at karagdagang posisyon ni Laudiangco bilang acting director ng education and information department (EID).
Inaprubahan ito ni COMELEC Chairman George Garcia kasunod ng pagreretiro ng dating director nito na si James Jimenez.