Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga local candidates na baklasin na ang kanilang mga illegal campaign materials.
Sa inilabas na notice ng Comelec, inatasan nito ang mga kandidato na tanggalin ang lahat ng mga ipinagbabawal na uri ng election propaganda, pitumpu’t dalawang (72) oras bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign period.
Kabilang rito ang mga campaign materials na nakadikit sa labas ng common poster areas, pampublikong lugar o sa mga private properties na walang pahintulot sa may-ari.
Magsisimula ang kampanya para sa mga lokal na kandidato sa biyernes, March 29.
Facebook Comments