Pinagbigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ng kampo ng sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo na palawigin ang paghahain niya ng counter-affidavit.
Kaugnay ito sa kasong “misrepresentation” na inihain laban sa dating alkalde dahil sa inihain nitong Certificate of Candidacy (COC) noong 2022 elections.
Pero sa halip na hanggang September 16, hanggang sa September 12 o sa Huwebes lamang ang ibinigay na palugit ng Comelec sa paghahain ng kontra salaysay.
Ito ang ikalawang motion for extension na inihain ng kampo ni Guo sa Comelec.
Sinabi naman ng poll body na wala nang magiging extension sakaling bigo pa rin ang kampo ng dating alkalde na magsumite ng kanilang counter-affidavit.
Facebook Comments