Comelec, nagbabala sa irresponsible negative campaigning

Manila, Philippines – Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) laban sa iresponsableng paggamit ng negative campaigning.

Bagamat pinapahintulutan ng campaign rules and regulations ang negative campaigning, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na hindi ito maaaring gamiting bilang excuse para sa isang libelous behavior.

Aniya, kung nagpakawala ang kandidato ng isang malicious at libelous comment laban sa kapwa kandidato ay hindi siya mapoprotektahan dahil lang sa fact na pinapayagan ang negative campaigning.


Facebook Comments