
Kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng campaign period sa local candidates, nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga tumatakbo na mahigpit nilang babantayan ang paggastos sa pangangampanya.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ₱3 lamang ang pwedeng gastusin ng mga kandidato sa bawat botante.
Yan ay para sa mga miyembro ng isang partido politikal.
Habang ₱5 naman bawat botante ang pinapayagan sa mga independent candidate.
Mula ngayong araw ay babantayan na rin ng poll body ang mga political ads ng mga kandidato na ieere sa telebisyon at radyo at ang mga ilalabas sa diyaryo at social media.
Sinabi pa ni Garcia na kailangang magtugma ang kanilang gagastusin at matatanggap na donasyon sa ilalagay sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).