Comelec, nagbabala sa mga pekeng voters’ list

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga nagkalat na pekeng listahan ng mga botante.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, partikular na nagkalat ang mga pekeng voters’ list sa mga Barangay.

Nagpa-alala si Jimenez na ang lehitimong listahan ng mga botante ay ang hawak lamang ng Board Of Election Inspector.


Nilinaw din ng poll body na hindi kailangan ng I.D. para makaboto.

Ang kailangan lamang aniya na mahanap ay ang pangalan ng botante sa listahan na hawak ng Board Of Election Inspectors (BEI).

Idinagdag ni Jimenez na huwag maniniwala sa mga nanakot na nagsasabing kaya nilang ma-diskubre kung sino ang binoto ng mga botante dahil wala aniyang sino mang makakakita ng laman ng balota sa araw ng halalan.

Facebook Comments