Comelec, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga pekeng social media accounts ng commissioners

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko kaugnay ng mga lumalabas sa social media na pekeng accounts ng mga opisyal ng poll body.

Pinayuhan din ng Comelec ang publiko na huwag tanggapin ang friend request sa Facebook ng mga nagpapakilalang commissioners ng Comelec.

Sa halip, dapat aniyang i-report ito dahil sa community standards violations.


Ayon sa Comelec, labag din sa impersonation policy ang pag-impersonate ng profiles sa Twitter.

Naniniwala ang poll body na layon ng mga pagnanakaw ng identity ng kanilang mga opisyal na dungisan ang integridad ng halalan sa Mayo.

Facebook Comments