
Tinawag na fake news ng Commission on Elections (Comelec) ang isang post sa social media na nagsasabing kailangang magbayad ng P3,000 sa pagpaparehistro para makaboto.
Ayon sa Comelec, hindi totoo at hindi galing sa komisyon ang naturang post.
Ang pagpaparehistro umano bilang botante ay isang karapatan sa mga kwalipikadong Pilipino at walang dapat kailangan bayaran dito.
Hindi rin naniningil ang opisina ng Comelec nang anumang halaga sa pagpaparehistro.
Paalala ng komisyon na huwag maniwala sa mga hindi verified na post at huwag i-click ang mga kahina-hinalang link na pino-post at shine-share sa mga page.
Maiging bisitahin ang opisyal na website ng Comelec maging ang verified social media page nito.
Facebook Comments









