Pinahintulutan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbubukas ng ballot boxes na ginamit noong 2016 elections.
Ito ay bahagi ng paghahanda para sa May 13 midterm elections.
Base sa Comelec Resolution no. 10515, pinabubuksan na ang ballot boxes na hawak ng city o municipal treasurers at pinalilipat ang mga laman nitong election forms at documents na ginamit noong May 9, 2016 national at local elections.
Pero sinabi ng Comelec na ang mga ballot box na bubuksan ay hindi maaaring gamitin sa anumang election protest o official investigation.
Itinakda rin sa resolution ang sumusunod na procedures at conditions sa pagbubukas ng ballot boxes.
- Bawat city o municipality kung saan may bubuksang ballot box ay dapat pangangasiwaan ng city o municipal treasurer o election officer
- Dapat isapubiko ang pagsasagawa nito at naaayon sa itinakdang lugar, petsa at oras
- Dapat isagawa ito sa loob ng office hours at matapos bago o sa mismong araw – April 5
- Masusing susuriin ang mga ballot boxes para malaman kung maaari pa ba itong magamit sa darating na midterm elections
Ang mga sira at depektibong ballot boxes ay gagamitin na lamang storage ballot box.
Facebook Comments