COMELEC, nagdodoble-kayod para isulong ang voters’ registration sa pamamagitan ng iRehistro

Nagdodoble-kayod na ang Commission on Elections (COMELEC) para makahikayat ng mas maraming first time voters na magparehistro sa pamamagitan ng online voter registration platform na “iRehistro.”

Ayon sa city election officer na si John Paul Martin, habang suspendido ang application for registration sa ilang COMELEC offices dahil sa quarantine restrictions, ilang empleyado ang naka-‘work-from-home’ at gumagawa ng mga inisyatibo para kumbinsihin ang mga aplikante na magparehistro sa pamamagitan ng kanilang online portal.

Sa pamamagitan ng “iRehistro” ay maaaring i-fill out ang registration forms kahit nasa loob lamang ng bahay ang mga aplikante.


Kapag binawi ang quarantine status, ay maaari na silang magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng COMELEC.

Maapabilis din nito ang registration dahil wala ng forms na kailangang i-fill up at ang kailangan na lamang nilang dalhin ay mga kinakailangang dokumento at kukuhanan na lamang sila ng biometrics.

Ang COMELEC main office ay nagbigay din ng go-signal para magsagawa ng off-site registration sa mga lugar na walang COVID-19 cases sa nakalipas na 14 na araw.

Target ng poll body na magkaroon ng apat na milyong registrants para sa nalalapit na May 2022 elections.

Facebook Comments