Manila, Philippines – Ngayon pa lang pinaghahandaan na ng Commission on Elections ang 2019 national and local elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Baustista, sa ngayon ikinakasa na nila ang Voters Education Campaign para malaman ng mga botante ang mga dapat at hindi dapat gawin tuwing sasapit ang eleksyon.
Paliwanag pa ni Bautista, naglilibot sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang talakayin at pag usapan ang kanilang mga natutunan nuong May 2016 national elections.
Sa pamamagitan kasi nito ayon kay Bautista, mapaghahandaan at maiiwasang maulit muli ang pagkakamali nuong mga nakalipas na automated elections.
Facebook Comments